Ang magpasuri ay libre at mas madali higit kailanman
Maraming mga lugar ng pagsuri sa COVID-19 na matatagpuan sa iyong komunidad at sa buong LA County. Libre ang mga pagsuri sa COVID-19 para sa mga residente ng LA County, hindi alintana ang katayuan ng imigrasyon, trabaho o seguro. Karamihan sa mga lokasyon ng pagsuri ay hindi nangangailangan ng isang tipanan o appointment. Maaari kang maglakad o imaneho ang sarili mo at magpasuri!
Kung mayroon kang mga sintomas ng COVID o malapitang nakasalamuha ng isang taong nagkaroon ng COVID-19, tawagan ang iyong doktor para kumuha ng pagsuri. Kung wala kang doktor, tawagan ang 211, o iklik dito para humanap ng isang libreng lugar ng pagsuri online.
Ang libreng pagsuri ay magagamit hindi alintana ang katayuan ng imigrasyon. Ang iyong personal na impormasyon ay ligtas at pribado. Hindi mo kailangan ng isang lisensya sa pagmamaneho o Social Security number.
Ang libreng mga lugar ng pagsuri ay matatagpuan sa iyong komunidad at sa ibayo ng LA County. Maaari kang maglakad, imaneho ang sarili mo o mag-iskedyul ng isang appointment online:
Pagsusuri sa COVID-19Ang lahat na may mga sintomas ng COVID-19 ay dapat na masuri agad-agad, ngunit may mga dahilan para masuri kahit na wala kang mga sintomas:
Kung nararamdaman mong ikaw ay may sakit habang ikaw ay naghihintay para sa iyong mga resulta, mahalagang manatili sa bahay at iwasan ang pakikisalamuha sa ibang mga tao, kahit na sa iyong sambahayan.
Kung wala pang dalawang linggo mula sa iyong bakuna, o kung kailangan mo pang makuha ang iyong pangalawang dosis, HINDI ka pa ganap na nabakunahan o ganap na protektado.
Ang listahang ito ay hindi kinabibilangan ng lahat ng posibleng sintomas ng COVID-19. Ang ilang mga tao na may COVID-19 ay hindi kailanman nakakakuha ng mga sintomas.
Para pabagalin ang pagkalat ng COVID-19, mahalagang manatili sa bahay at iwasan ang pakikisalamuha/kontak sa ibang mga tao, kahit na sa iyong sambahayan kung posible, hanggang sa makuha mo na ang iyong mga resulta. Kapag nakuha mo na ang iyong mga resulta, mahalagang sundin mo ang mga tagubilin ng pampublikong kalusugan para masigurong napapanatili nating ligtas ang ating komunidad.
Ang Masuring Positibo para sa COVID-19 ay maaaring nakakaistress, ngunit hindi ka nag-iisa. Matuto pa sa kung ano ang gagawin pagkatapos mong masuri nang positibo.
Ang LA County ay may mga mapagkukunan para tumulong na panatilihing ligtas ang sarili mo at ang iyong pamilya.
Iklik ang link sa ibaba para malaman kung ano ang magagawa mo ngayon para manatiling ligtas:
Ako ay nasuring positiboKung nasuri kang negatibo para sa COVID-19, kailangan mo pa ring protektahan ang iyong sarili at ibang mga tao. Patuloy na manatiling 6 na talampakan ang layo mula sa mga tao na hindi kabilang sa iyong sambahayan, magsuot ng maskara at maghugas ng iyong mga kamay nang madalas. Kung nasuri kang negatibo ngunit alam mong ikaw ay nalantad, kailangan mo pa ring magpanatili ng isang panahon ng pag-quarantine.
Tandaan, ang isang resulta ng pagsuri sa COVID-19 ay nagpapakita lamang kung nasasaiyo ang virus sa sandaling kumuha ka ng pagsuri. Ang mga maling negatibo (false negatives) ay posible rin. Ang isang negatibong pagsuri ay HINDI nangangahulugan na ligtas nang magtipon kasama ang mga tao na labas sa iyong sambahayan.
Sa Los Angeles County, kung ikaw ay malapitang nakasalamuha ng isang taong nasuring positibo para sa COVID-19, kailangan mo pa ring: